Naniniwala ang Malacañang na mas magiging mabilis na ang pagbabakuna sa mga menor de edad dahil sa patuloy na pagdating ng bakuna kontra COVID-19 sa bansa.
Ibinahagi ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa kanyang social media na sinalubong nito ang 1,014,390 doses na pfizer vaccine na binili ng bansa.
Ayon kay Roque, makatutulong aniya ang karagdagang bakuna para mapalakas pa ang vaccination drive ng Gobyerno.
Inasahan na kasi ng Maynila na nakatanggap ito ng 813,150 doses ng 1,014,390 pfizer vaccine doses na binili ng gobyerno habang ang Cebu at Davao, ay makakakuha ng 100,620 pfizer doses kada-isa.
Samantala, nanawagan muli si Roque sa publiko na magpabakuna na at patuloy sumunod sa COVID-19 protocols upang maiwasan ang pagkalat ng nakakahawang sakit