Umarangkada na ang pagbabakuna sa mga preso sa Tagum City Jail.
Pahayag ni Jail Senior Insp. Jul Akbar Jamiri, warden ng male dormitory, nasa 75 preso ang unang nakatanggap ng unang dose ng bakuna kontra COVID-19 na Sinovac.
Nabatid na target mabakunahan ang lahat ng 296 inmates sa nasabing piitan hanggang susunod na dalawang linggo.