Umarangkada na ngayong araw ang pagbabakuna sa mga senior citizen at persons with comorbidities sa Caloocan City at Maynila.
Ayon sa lokal na pamahalaan ng Caloocan ay Maynila, maaga pa lamang ay mahaba na ang pila ng mga handang mapgpabakuna kontra COVID-19 sa mga paaralan na nagsilbing vaccination site.
Kabilang dito ang Caloocan High School, NHC High School sa Camia Street at Ramon Magsaysay High School sa Maynila.
Pawang nabakunahan ang mga nasa kategoryang A1 na mga medical frontliners, A2 o ang mga senior citizen at A3 o mga persons with comorbidities.