Bumaba ang bilang ng mga nagnanais magpabakuna kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19) nitong nakalipas na linggo dulot ng kakapusan sa suplay nito.
Iyan ang ginawang pag-amin ni vaccine czar Carlito Galvez kay Pangulong Rodrigo Duterte sa kaniyang naging ulat sa bayan, kagabi.
Mayroon po tayong impending deliveries this June so bumaba po ang ating average vaccination, considering ‘yong ating delivery noong last week ng May at tsaka first week of June ay naantala po,” ani Galvez.
Gayunman, sinabi ni Galvez na hindi ito magtatagal dahil darating na ang may 10-milyong bakuna ngayong buwan na una nang naantalang i-deliver sa bansa noong Mayo.
Sa kaniyang powerpoint presentation kagabi, sinabi ni Galvez na may darating sana ang mga bakunang Sputnik V mula sa Russia bukas, ika-9 ng Hunyo.
Subalit, biglang ini-ulat ng mga tauhan ng National Task Force Against COVID-19 na hindi na ito matutuloy subalit hindi naman pinaliwanag kung bakit.