Posibleng masimulan ang pagbabakuna kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Mayo ng taong 2021.
Ito, ayon kay Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., ay kung maisasagawa ang kanilang plano para makapagturok ng bakuna kontra COVID-19 sa paunang 24-milyon katao.
Sinabi ni Galvez na nakadepende sa world market at development ng bakunang aaprubahan ng Food and Drug Administration (FDA), ang pagsisimula nang pagbabakuna sa mga Pilipino.
Kasabay nito, binigyang diin ni Galvez na dapat matutukan sa vaccine roadmap ang pagtukoy kung saan maaaring ilagak ang mga bakuna na napakasensitibo kaya’t kailangang magkaroon ng magandang logistics plan hinggil dito.