Pag-aaralan na rin ng Department Of Health (DOH) ang pagbabakuna sa mas nakababatang populasyon sa bansa o mga edad 5 hanggang 11.
Tugon ito ni Health Undersecretary Myrna Cabotaje matapos aprubahan ng Food and Drug Administration ng Estados Unidos ang paggamit sa Pfizer COVID-19 vaccine para sa nasabing age group.
Ayon kay Cabotaje, hihintayin nila ang resulta ng karagdagang pag-aaral bago ilarga ang vaccination sa mas nakababatang populasyon.
Nilinaw naman ng opisyal na hindi tulad sa kabataan at matatanda, ang mga bata ay kailangan lamang makatanggap ng one third ng COVID vaccine dose at hindi maaaring pilitin ang mga ito na magpabakuna.
Simula Nobyembre 3 ay aarangkada na ang nationwide vaccination sa mga kabataang edad 12 hanggang 17 anyos.—sa panulat ni Drew Nacino