Hindi pa nakikitaan na kailangan na rin mabakunahan kontra COVID-19 ang mga kabataan.
Ito’y sa gitna ng indikasyon na maaaring marami ang matamaan ng severe COVID-19 ang mga unvaccinated na kabataan.
Bagama’t malaki ang posibilidad na dapuan ng COVID-19 delta variant ang mga kabataan, higit na delikado pa rin na tamaan ang mga nakatatanda at comorbidities.
Ayon kay Department Of Health Technical Advisory Group o DOH tag Dr. Edsel Salvana, kung magkaroon man ng sapat na suplay ng bakuna ay posibleng isama na sa pagbabakuna ang mga menor de edad.
Pinaalalahanan ni Salvana ang publiko na sumunod pa rin sa ipinapatupad na health protocols tulad ng pagsusuot ng face mask at face shield pangontra sa virus.
Base aniya sa pag-aaral mas maraming virus particle ang maaaring ibuga ng isang delta variant kung saan sa loob lamang ng 30 oras ay maaari itong makahawa sa iba.