Sinimulan na ng bansang Turkey ang pagtuturok nito ng bakuna mula China na Sinovac nitong Huwebes, Enero 14.
Prayoridad bakunahan ng bansa ang mga health workers nito kung saan sa pamamagitan ng online book appointments maaaring magpa-schedule kabilang na ang mga janitor ng ospital.
Ayon kay Surgeon General Nurettin Yiyit, ang 30 ospital na itinalaga para sa pagbabakuna ay kayang magbakuna ng aabot sa 1,800 katao kada araw.
Samantalang kaya namang mabakunahan ang nasa 3,500 na staff ng mga ospital nito sa loob ng dalawang araw.
Bukod pa rito, prayoridad bakunahan ng bansa ang mga edad 50 pataas at ang mga may malubhang karamdaman, sumunod ay ang mga nasa high-risk sector.
Matatandaang nakatanggap na ng 3 milyong bakuna ang Turkey mula sa China.—sa panulat ni Agustina Nolasco