Tiniyak ng Palasyo na magpapatuloy ang National Vaccination Drive sa kabila ng papalapit na May 9, 2022 Elections.
Ito’y makaraang magpahayag ng pagkabahala si Vaccine Czar, Secretary Carlito Galvez na ang nalalapit na halalan ay may malaking epekto sa daily vaccination output lalo’t ang local government units ay magiging abala sa kampanya na magsisimula sa Pebrero.
Ayon kay Acting Presidential Spokesman at Cabinet Secretary Karlo Nograles, kailangang magtulungan ang national at local governments upang matiyak na ang pagbabakuna at iba pang serbisyo ay mananatiling operational.
Batid naman anya na mayroong ilang LGU Officials ang tatakbo para sa re-election.
Gayunman, siniguro ni Nograles na hindi mababahiran ng pulitika ang bakunahan maging ang COVID response partikular sa pamamahagi ng mga bakuna upang makamit ang target na ma-protektahan ang lahat ng mamamayan.