Sisimulan na ng Department of Health, Bureau of Internal Revenue at PhilHealth ang pagbalangkas sa IRR o Implementing Rules and Regulations para sa amended anti- hospital deposit act.
Ito ay matapos pirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas na magpapatupad ng mas mataas na parusa sa mga ospital na tumatanggi sa mga pasyenteng walang pag-deposito.
Ayon kay Department of Health spokesman Assistant Secretary Eric Tayag, lilinawin sa nasabing IRR ang ilang mga katanungan sa amended anti hospital deposit act upang maiwasan ang pagkakaroon ng sariling interpretasyon ng mga ospital.
Ani tayag, posibleng abutin pa ng dalawa hanggang tatlong buwan bago ito tuluyang maipatupad dahil matapos ang pagbalangkas sa IRR ay kinakailangan pa itong ilathala sa loob ng labing limang araw.
90 araw po ang binigay ng batas para balangkasin ang IRR, pero ang effectivity ng batas, oras na ma-published ‘yan, 15 days after. ‘Yung mga tinatanong niyo ay lilinawin sa IRR. Para ‘yung mga ospital ay hindi dumidiskarte, at may sariling interpretasyon doon sa batas.