Tuloy na ang pag-uwi sa bansa sa March 11 ng mga Overseas Filipino Workers (OFW) mula sa Macau na naapektuhan ng 2019 coronavirus disease (COVID-19) doon.
Ipinabatid ni Labor secretary Silvestre Bello III na kabilang sa babalik ng bansa ang 100 undocumented Pinoys at 40 documented Pinoys na isasailalim din sa quarantine pagdating sa bansa.
Nilinaw ni Bello na kahit undocumented ay tutulungan nila ang mga ito at isasakay sa chartered flight para makauwi ng bansa.
Ang mga nasabing OFW sa Macau ay naapektuhan nang pagsasara ng maraming establishments doon dahil sa paglaganap ng COVID-19.
Una nang ipinag-utos ang pagsasara ng 15 araw ng lahat ng mga casino sa Macau.