Inihayag ng Department of the Interior And Local Government (DILG) na mas mabuting sa Eenero na lang magbalik byahe ang mga provincial bus.
Ito’y matapos aprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte Ang pagbabalik ng provincial buses sa mga point-to-point na ruta.
Ayon kay DILG Undersecretary Jonathan Malaya ito’y para manatiling limitado pa rin ang galaw ng tao lalo ngayong Pasko.
Ani malaya napaka kritikal ng panahon ngayon dahil nariyan ang posibilidad na maraming magbyahe dahil sa holiday season.
Giit ni malaya mas makabubuti kung mananatili pa rin ang mga tao sa kani-kanilang tahanan sa halip na lumabas at bumyahe dahil nariyan pa rin ang banta ng COVID-19.