Kumpiyansa ang Philippine National Police (PNP) na magiging mapayapa ang pagbabalik eskwela ng mga estudyante ngayong araw.
Ayon sa PNP Public Information Office chief Police Brig. General Roderick Augustus Alba, titiyakin ng kanilang ahensya na handa ang mga kapulisan para sa seguridad at kaligtasan ng mga mag-aaral maging ng mga guro na lalahok sa face-to-face classes.
Sinabi ni Alba na nagdeploy na sila ng mga pulis para magbantay sa mga paaralan at sa lahat ng academic institutions sa buong bansa para sa “Ligtas Balik Eskwela 2022.”
Bukod pa dito, inilatag narin ng ahensya ang mga Police Assistance Desks at Police Visibility sa mga terminal at iba pang points of convergence.
Samantala, muli namang nanawagan ang PNP sa mga magulang at guardians na paalalahanan ang kanilang mga anak hinggil sa Do’s and Don’ts o ang mga dapat at hindi dapat gawin kapag sila ay nasa loob ng paaralan.