Inihayag ni Senator Risa Hontiveros na dapat gawing “by phase” ang pagpapatupad ng full face-to-face classes para sa school year 2022-2023.
Ayon kay Hontiveros kailangang pag-isipang maigi ang magiging set-up kung pagsasamahin sa iisang classroom o schedule ang mga bakunado at hindi bakunadong mag-aaral sa kanilang pagpasok.
Bukod pa dito, dapat ding pag-usapan ang kaligtasan ng mga mag-aaral kabilang na dito ang panukalang panatilihin ang online learning set-up, tamang pagsuot ng face-mask, running water facilities, proper hand cleaning at pagpapanatili ng physical distancing.
Sinabi ni Hontiveros na dapat ding matugunan ang mababang vaccination rate sa mga kabataan bago ang muling pagbubukas ng mga paaralan at pagbabalik ng klase.