Nagbalik-loob sa pamahalaan ang isang umano’y dating collector at logistics officer ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) sa Bocaue, Bulacan.
Kinilala ni Bulacan Police Provincial Office officer-in-charge Col. Relly Arnedo ang surrenderer na si alyas “Ka Alfie”, 67 taong gulang.
Kasama ring isinuko ng dating rebelde ang isang .45-caliber pistol at isang .22-caliber revolver na may mga bala.
Nasa custody na ng 1st Provincial Mobile Force Company si Ka Alfie habang isinasailalim sa imbestigasyon at custodial debriefing.