Iginiit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ang pagbabalik-loob sa pamahalaan ay hindi kahinaan kundi isang hakbang patungo sa makatarungan at maayos na pamumuhay.
Ginawa ni Pangulong Marcos ang pahayag matapos atasan ang National Amnesty Commission na mag-isyu ng safe conduct passes para sa mga dating rebelde.
Ayon sa Presidente, ang pamahalaan aniya ay handang makinig, umalalay, at tumanggap sa sinumang tapat sa pagbabago.
Sa ilalim aniya ng Bagong Pilipinas, hinihikayat ni Pangulong Marcos ang mga mamamayan na “piliin ang tama” at magtulungan sa pagkamit ng maunlad at mapayapang kinabukasan.—sa panulat ni John Riz Calata ulat mula kay Gilbert Perdez (Patrol 13)