Pinag-aaralan na ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang pagbabalik ng motorcycle lane sa kahabaan ng edsa.
Ayon kay MMDA chairman Romando Artes, layon nitong ibsan ang hirap ng mga motorist sa kalsada at para makaiwas sa mga aksidente na may kinalaman sa paggamit ng motor.
Sa ngayon, pinag-iisipan pang mabuti ng MMDA kung saan ipu-pwestong muli ang isang motorcycle lane.
Sa ngayon kasi aniya ay mahihirapan pa silang hanapan ito ng lugar dahil kulang ang espasyo sa mga pangunahing kalsada.-sa panulat ni Abie Aliño-Angeles