Tutol si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio sa muling pagpapatuloy ng usapang pangkapayapaan sa pagitan ng pamahalaan at ng National Democratic Front of the Philippines o NDFP.
Ayon sa alkalde, naniniwala siyang walang saysay ang pakikipag-usap sa mga rebelde dahil tiyak na tuloy pa rin ang pag-atake ng mga miyembro ng New People’s Army o NPA sa kanayunan kahit pa ipagpatuloy ang negosasyon.
Wala rin aniya siyang nakikitang sinseridad sa panig ng mga komunista kung ang pagbabatayan aniya ang nangyari sa Davao City noong Semana Santa kung saan, isang heavy equipment na ginagamit sa mahigit isang bilyong pisong proyekto ng Department of Public Works and Highways o DPWH ang sinunog.
Ito ang dahilan ayon kay Duterte-Carpio kaya’t nabinbin ang proyekto na dapat sana’y nakatulong na sa mga komunidad sa lungsod.
—-