Ipinanawagan ng mga retiradong opisyal ng Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ibalik sa Bicameral Conference Committee ang inaprubahang 2025 general appropriations bill.
Sa open letter ng mga ito kasama ang iba pang organisasyon, iginiit ng grupo ang hindi makatwirang pagdagdag sa budget ng senado sa mahigit 13.9 billion pesos mula sa inisyal na 12.8 billion pesos gayundin ang budget ng kamara sa 33.6 billion pesos sa mula unang alokasyon na 16.3 billion pesos.
Kinuwestyon din ng mga ito na binubuo ng mahigit 190 indibidwal ang pagdagdag sa pondo ng DPWH at pagbabalik sa akap fund na una nang tinanggal ng senado.
Kabilang anila sa mga mahihirapang ahensya dahil sa pagtapyas ng pondo ang Departments of Agriculture, Education, Health, Labor and Empolyment at Social Welfare and Development.
Binigyang-diin ng grupo na ang pagdaragdag sa pondo ng Kongreso, DPWH at iba pang item na hindi naman tunay na kailangan ay isang malinaw na paglabag sa prinsipyo ng pagkakapantay-pantay at maayos na pamamahala.