Nagbabadyang bumalik sa paghahasik ng kagululuhan sa mundo ang pinaka-notorious na teroristang grupo na Al-Qaeda.
Ito ang inamin ni US President Joe Biden dahil sa pag-atras ng US Military Forces sa Afghanistan.
Ang Al-Qaeda ang nasa likod ng pinaka-madugong terrorist attack sa kasaysayan ng US noong Setyembre 11, 2001 na kamakailan ay ginunita sa buong Estados Unidos.
Kinatigan naman ni Dating Central Intelligence Agency Chief Michael Morell ang pahayag ni Biden at kinumpirmang nabuhayan ng loob ang lahat ng Jihadist sa pagbabalik-kapangyarihan ng Taliban sa Afghanistan.
Ayon kay Morell, ang pag-atras ng US sa Afghanistan ay indikasyon ng pananaig ng mga Radical Islamic Group at kanilang tagumpay laban sa pinaka-makapangyarihang bansa.
Dahil anya rito ay nanganganib ang Amerika maging ang mga kaalyado nitong bansa kaya’t dapat maging alerto ang lahat ng intelligence agencies hindi lamang sa US, upang hindi malusutan ng mga terorista. —sa panulat ni Drew Nacino