Nangako ang militar na kanilang ibabalik sa normal ang sitwasyon at pamumuhay ng mga residente ng Jolo, Sulu sa lalong madaling panahon.
Ito ang tiniyak ni Lt/Gen. Cirilito Sobejana, commanding general ng Philippine Army, kasunod ng nangyaring kambal na pagsabog sa nasabing lugar kahapon na ikinasawi ng 15 at ikinasugat ng halos 80.
Kasunod nito, sinab sa DWIZ ni Sobejana na kaniyang irerekomenda na muling isailalim sa martial law o batas militar ang Sulu dahil ito ang hinihingi ng mga residente roon.
It’s high time na ibalik po natin, if I may respectfully recommend to our rpesident, through our chief of staff and secretary of National Defense, na kung maibalik o maideklara muli na martial law doon sa lugar doon sa probinsya ng Sulu dahil sa recent bombing incident na nangyari,” ani Sobejana.
Giit ni Sobejana, nakamit ng Sulu ang katahimikan at kapayapaan nang ibagsak noon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas militar sa Mindanao bunsod ng kaliwa’t kanang pag-atake ng mga terorista.
Kung natatandaan natin, noong idineklara ng ating pangulo ‘yung martial law, e, behave ‘yung mga tao. Noong una nagkaroon ng konting negative reaction due to the stigma brought about by the 1970’s martial law, but this time, itong nakaraang martial law, sila na mismo ang nagrequest na kung maaari ay ma-extend pa,” ani Sobejana. —sa panayam ng Ratsada Balita