Nilinaw ng Malakanyang na hindi pa napag-uusapan ang pagsusuot ng face shield sa gitna ng banta ng Omicron variant ng COVID-19.
Ayon kay acting presidential spokesman at IATF co-chairman Karlo Nograles, hindi muna niya pangungunahan ang task force lalo’t ang mga medical expert ang magpapasya.
Sa ngayon anya ay boluntaryo pa rin ang pagsusuot ng face shields sa buong bansa.
Binigyang-diin naman ni Nograles na desisyon pa rin ng mga establisyimento kung pagsusuotin nila o hindi ng faceshield ang kanilang mga customer at empleyado bilang dagdag-proteksyon kontra COVID-19.