Ipinanawagan ng Kabataan Partylist na gawing 100% ligtas ang pagbabalik ng face-to-face classes kasabay ng pagbubukas ng school year 2022-2023.
Ayon sa Kabataan Partylist, bagama’t nasa Alert level 1 ang halos lahat ng siyudad at munisipalidad at higit kalahati ang pinayagang magsagawa ng face-to-face classes, maaari pa ring mahawa sa COVID-19 ang mga mag-aaral.
Umaasa naman ang grupo na magkakaroon ng regular mass testing sa mga school personnel, dagdag pondo para sa pasilidad at iba pang pangangailangan.