Nanawagan ang OCTA Research Group sa gobyerno na i-urong muna ang pagbabalik ng face-to-face classes sa mga paaralan sa buong bansa.
Kasabay ito ng muling pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.
Ayon kay OCTA Research Fellow Dr. Guido David, mas mabuting i-urong muna ang pagbabalik ng in-person classes kahit isang buwan lang.
Ito ay upang maiwasang mahawa sa COVID-19 ang mga mag-aaral na lalabas pa ng bahay para makapag-klase sa paaralan.
Sa Agosto 22 nakatakda ang pagbabalik ng face-to-face classes sa bansa.