Posibleng ibalik ng Gobyerno ang paggamit ng faceshield.
Aminado si National Task Force against COVID-19 Chief Implementer at Vaccine Czar, Secretary Carlito Galvez na pinag-aaralan na nila ang posibilidad dahil sa banta ng COVID-19 Omicron variant.
May ilan anyang taga-World Health Organization na naniniwalang ang dagdag-proteksyong ibinibigay ng faceshield, ang rason kaya’t nagkaroon ng magandang resulta ang kampanya ng bansa kontra delta variant.
Una nang tinukoy ng WHO bilang variant of concern ang Omicron dahil sa taglay nitong multiple mutations.
Pero nilinaw ng WHO na kailangan pa ng karagdagang pag-aaral upang mabatid kung gaano ito ka-peligroso o kalakas at kabilis makapanghawa kumpara sa ibang variants of concern. —sa panulat ni Drew Nacino