Sinusuportahan ng isang solon ang pagbabalik ng full face-to-face classes para sa state universities and colleges.
Ayon kay Cong. Joey Salceda, hindi kasi makatwiran na panatilihin ang online learning sa mga college students dahil doble gastos na ito para sa kanila lalo na kung nagrerenta sila ng kwarto na malapit sa kanilang pinapasukan at mayroon pang binabayarang internet.
Kaugnay nito, sang ayon din ang kongresista sa resumption ng physical classes sa mga public institution sa bansa.
Paliwanag ni Cong. Salceda, na pinakamagandang opsyon ito para sa mga nagtatrabahong magulang na walang mapag-iiwanan ng kanilang mga nag-aaral na anak.
Samantala, para naman sa mga private school, una nang sinabi ng mambabatas na suportado nya ang kautusan ng deped na payagan na ang mga pribadong paaralan na ipagpatuloy ang hybrid o online learning arrangement lalo na’t marami sa mga eskwelahang ito ang mas nakapagbibigay ng flexible at diverse na educational services sa mga estudyante, gamit ang makabagong teknolohiya. - sa ulat ni Jopel Pelenio (Patrol 17).
previous post