Pinag-tutuunan ngayon ng pansin ng Department of Education (DepEd) ang target nitong pagbabalik sa full face-to-face classes sa Nobyembre.
Ayon kay education spokesperson Michael Poa, ang panunumbalik ng full face-to-face classes ang pinakaunang hakbang na dapat gawin ng ahensya upang matugunan ang learning poverty sa bansa.
Batay sa ulat ng World Bank noong Agosto, nasa 90% ng mga Pilipinong edad 10 ang hirap magbasa at makaintindi ng mga simpleng pangungusap.
Nais rin ng ahensya na matugunan ang mga problemang nararanasan nito bago pa sumirit ang pandemya.
Samantala, kasama sa learning recovery plan ng DepEd ang pagbibigay ng reading interventions at psychosocial support activities para matiyak ang maayos na mentalidad at pangangatawan ng mga estudyante sa pagbabalik ng full in-person classes.—mula sa panulat ni Hannah Oledan