Tiniyak ng Department of Energy (DOE) na kanilang ginagawa ang lahat upang maibalik sa lalong madaling panahon ang suplay ng kuryente sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Nina.
Ayon kay Energy Usec. Wimpy Fuentebella, unti-unti nang naibabalik ang suplay ng kuryente sa mga commercial areas ng ilang probinsya at inaasahang sa loob ng dalawang linggo ay maiilawan na ang buong Catanduanes.
Bahagi ng pahayag ni DOE Usec. Wimpy Fuentebella
Nakiusap din si Fuentebella sa mga kinauukulan na huwag harangin ang mga truck na magdadala ng emergency restoration system ng NGCP.
Bahagi ng pahayag ni DOE Usec. Wimpy Fuentebella
By Katrina Valle