Aprubado na ni Pangulong Rodrigo Duterte hiling ng Commission on Higher Education na payagan ang limitadong face to face classes para sa limang iba pang degree programs sa kolehiyo.
Epektibo ang limitadong face to face classes sa mga lugar na nasa ilalim ng modified general community quarantine.
Sa kasalukuyan, tanging health sciences at medicine ang pinapayagan ng gobyerno na magsagawa ng klase.
Ayon kay CHED Chairman Prospero De Vera III, pinayagan ng pangulo ang engineering and technology programs; hospitality o hotel and restaurant management; tourism o travel management; marine engineering at marine transportation.
Batay anya sa kanilang iprinesentang ebidensya sa IATF ay maliit na porsyento lamang ng mga estudyante at guro sa mga nasabing kurso ang dinapuan ng COVID-19 dahil sa mahigpit na protocols. —sa panulat ni Drew Nacino