Dapat pagtuunan ng pansin ng kongreso kung paano maibabalik ang mga estudyante sa kolehiyo sa pag-aaral sa halip na ibalik ang mandatory military training.
Ayon kay Deputy Secretary General Aki Liongson ng National Union of Students of the Philippines (NUSP), naniniwala sila na hindi kailangang magpasa ng batas kaugnay sa naturang training dahil marami pang problema na kailangang ikonsidera at iprayoridad sa sektor ng edukasyon.
Binigyang-diin niya na maraming mag-aaral ang tumigil sa pag-aaral dahil sa inflation, unemployment, at COVID-19 pandemic.
Kahapon, Disyembre 15 nang aprubahan ng kamara ang ikatlo at huling pagbasa ng House Bill 6687 o ang Proposed National Citizens Service Training Program Act.
Matatandaang hinimok din ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kongreso na magpasa ng batas ukol sa implementasyon ng Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) program upang palakasin ang disaster response capability ng bansa.