Balik na ang kabuhayan ng mga taga-Pangasinan makaraang makapalaot nang muli ang mga mangingisdang Pilipino sa bahagi ng Scarborough o Panatag Shoal.
Ito ang binigyang diin sa DWIZ ni Pangasinan 1st District Rep. Jesus Celeste matapos ang matagumpay na pagbisita ng Pangulong Rodrigo Duterte sa China kamakailan.
Ayon kay Celeste, itinuturing nila itong magandang pamasko sa mga mangingisda dahil sa biyayang idinudulot ng karagatan sa kanila.
Bagama’t aminado si Celeste na mangilan-ngilan lamang ang nakapapasok sa bahura, nilinaw nitong na dahil sa malakas na alon dulot ng amihan at hindi sa mga nakabantay na Chinese Coast Guard sa bukana ng bahura.
Ibinahagi rin ni Celeste ang payapang karagatan sa loob ng bahura na siyang dahilan kaya’t maraming isdang nahuhuli roon.
By Jaymark Dagala | Sapol