Hinimok ng Bulacan Provincial Police Office ang pamunuan ng Meycauayan Industrial Village sa Bulacan na magdoble higpit ng seguridad.
Ito’y ayon kay Bulacan Provincial Police Chief Senior Supt. Chito Bersaluna ay dahil sa posibleng pagbabalik ng mga manggagawa at militante sa harap ng pabrika ng NutriAsia sa naturang lugar.
Magugunitang 19 sa mga rallyista ang iniimbestigahan ngayon ng pulisya habang isa ang nakakulong matapos mahulihan ng droga at baril nang sumiklab ang gulo doon noong Hulyo 30.
Sa programang “Pulis @ Ur Serbis” sa DWIZ, sinabi ni Bersaluna na kaniyang ipinanukala sa pamunuan ng industrial village na magpatupad ng ID system sa lugar upang madaling matukoy kung sino man ang magpapasimuno ng kaguluhan sa loob.
“Kasi hindi lang NutriAsia ang nandoon, marami pang mga factories atsaka meron ding mga residents doon sa lugar na yun so para maiwasan din yung mga untoward incidents kasi sa dami ng mga taong pumapasok na wala namang lehitimong transaksyon doon, mahirap yun sa mga residente atsaka sa mga factory na manggagawa doon.”
(From Pulis @ Ur Serbis interview)