Pinag-aaralan na ng mga mambabatas sa Iraq ang pagbabalik ng military conscription sa kanilang bansa.
Matatandaang noong 1935 hanggang 2003, mandatoryong ipinatupad sa nabanggit na bansa ang serbisyo ng Armed Forces.
Layunin ng naturang panukala na mabigyang daan ang conscription sa mga batang kalalakihan na may edad 18 hanggang 35 para sa termino ng 3 hanggang 18 buwan pero depende pa ito sa kanilang education level.
Tatanggap naman ang mga ito ng allowances mula 600,000 hanggang 700,000 Iraqi Dinars o katumbas ng mahigit $400.