Ikinukunsidera na ng Department of Agriculture ang pagbabalik ng NFA rice sa merkado.
Gayunman, nilinaw ni Agriculture Secretary William Dar na para lamang sa mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ang NFA rice.
Hindi naman na anya kailangang amyendahan ang Rice Tariffication Law of 2019 para lamang buhayin ang NFA rice.
Sa ilalim ng nasabing batas, pinapayagan ang unlimited importation ng bigas hangga’t may Phytosanitary Permit ang private sector traders at makapagbayad ng 35% tariff para sa shipments mula sa mga karatig bansa sa Southeast Asia.
Batay sa price monitoring ng DA, ang average retail price ng regular milled rice ay P37 per kilo habang P41 ang kada kilo ng well-milled rice.
Agosto 2019 nang itigil ng gobyerno ang subsidy sa NFA rice.