Pinag-aaralan ng MMDA kung ibabalik na ang number coding.
Ito ayon kay MMDA Chairman Benhur Abalos ay dahil sa inaasahang pagbigat ng daloy ng trapiko sa EDSA sa pagsisimula ngayong araw na ito nang paniningil ng Skyway Stage 3.
Sinabi ni Abalos na nasa isandaang libong sasakyan ang dumadaan kada araw sa Skyway at 80% nito ay gumagamit ng RFID.
Dalawampung libong (20,000) sasakyan naman aniya ang maaaring dumaan sa edsa bilang alternatibo at dagdag ito sa kapasidad ng EDSA na nasa halos 400,000 sasakyan.
Una nang sinuspinde ang number coding nuong isang taon dahil sa kakulangan ng public transportation dulot ng COVID-19 pandemic.