Plantsado na ang pagbabalik ng Pilipinas sa tone-toneladang basura sa Canada.
Una nang binigyan ng deadline ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Canada ng hanggang Mayo 15 para maibalik ang naturang mga basura.
Ayon kay DENR Undersecretary Benny Antiporda, ayos na ang papeles na kinakailangan sa pagpapaalis ng naturang kargamento mula sa Bureau of Customs hanggang sa shipping line na magdadala nito sa Canada.
Hinihintay na lamang aniya ang kumpirmasyon mula sa Canada para matuloy na ang pagpapaalis sa mga basura.
“Well, isang hakutan na lang po ito dahil nagkasundo po na pag-iisahin na po yung tatlo na ibiyahe gagamitin ang bark ng Mayers.”