Pinag-aaralan na ng Department of Health ang panukalang ibalik sa tatlo mula sa limang araw ang quarantine period para sa mga umuuwing Overseas Filipino na negatibo sa COVID-19 lalo ngayong Christmas season.
Ito’y makaraang baguhin ng Inter-Agency Task Force ang quarantine protocols para sa mga biyaherong dumarating sa bansa na wala sa red list sa gitna ng banta ng COVID-19 Omicron variant.
Gayunman, aminado si Health Secretary Francisco Duque III na mas mainam na hintayin pa ang mga datos at iba pang impormasyon.
Anya kahit may mga inisyal na pag-aaral na mild ang epekto ng Omicron, pinaka-maiging gawin ay antabayanan ang pinal na resulta ng pag-aaral ng World Health Organization kasabay ng pagsunod sa health protocols.