Isinusulong ng isang grupo ng mga panadero ang pagbabalik ng traditional “salty” pandesal.
Ayon kay Lucito Chavez, Pangulo ng Asosayon ng Panaderong Pilipino (APP), ito ay bilang tugon sa mataas na presyo ng asukal dahil na rin sa kakulangan ng suplay nito.
Dagdag pa ni Chavez, dumarami na ang bilang ng mga nagsasarang panaderya dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga sangkap ng naturang tinapay.
Inirekomenda rin ng APP sa mga panadero na maglagay ng healthy additives sa kanilang produkto tulad ng klabasa, kamote, carrots, at malunggay.
Suportado naman ng Department of Agriculture(DA) ang ideya lalo pa’t gumagawa rin ito ng mga hakbang para tugunan ang pagtaas ng mga presyo ng sangkap sa paggawa ng pandesal.
Una rito, ang DA kasama ang Department of Trade and Industry (DTI) at Department of Science and Technology (DOST) at ilang pribadong sektor ay naglunsad ng “coco pandesal,” isang bersyon ng pandesal na gawa sa coconut flour. - sa panunulat ni Hannah Oledan