Pinamamadali na ni pangulong Rodrigo Duterte sa office of the Civil Defense (OCD) ang pagbabalik ng suplay ng malinis na tubig sa mga lugar na tinamaan ng bagyong Odette.
Ayon sa pangulo, mahalagang maibalik ang malinis na tubig upang maiwasan ang pagkakasakit ng mga residente.
Kaugnay nito, tiniyak ni OCD Assistant Secretary Hernando Caraig Jr. na magpapatuloy ang kanilang distribusyon ng bottled water na galing sa donasyon ng mga negosyante at iba’t ibang mga grupo.
Sinabi pa ni Caraig na mayroon pa silang nakareserbang 2.175 million liters ng tubig upang ipamahagi sa mga apektadong lugar.