Muling tiniyak ng Meralco na puspusan ang kanilang pagtatrabaho upang maibalik ang supply ng kuryente sa mga lugar na naapektuhan ng pananalasa ng bagyong Paeng, kamakailan.
Ayon kay Meralco Spokesperson Joe Zaldarriaga, mahigit 4 na milyon nilang customer ang nawalan ng kuryente sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyo noong weekend.
Gayunman, karamihan anya sa kanilang mga customer ang mayroon ng kuryente at nasa limampung libo na lamang ang kasalukuyang walang power supply.
Naayos na rin ng National Grid Corporation of the Philippines ang mga nasirang transmission line maliban sa quezon, aurora at Benguet.