Nagpasalamat sa kaniyang mga tauhan, kasama sa trabaho at mga kaibigan si Philippine National Police o PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar.
Ito ay sa kaniyang pagdalo sa huling flag raising ceremony bilang pinuno ng Pambansang Pulisya sa Kampo Crame kaninang umaga, 5 araw bago ang nakatakda niyang pagreretiro sa Nobyembre 13.
Sa kaniyang talumpati, ipinagmalaki ni Eleazar na nabawi na ng PNP ang tiwala at suporta ng mamamayan sa mga pulis sa loob ng anim na buwan niyang panunungkulan.
Patunay na aniya rito ang mataas na trust at approval ratings na nakuha ng PNP mula sa iba’t ibang survey firms hinggil sa good governance at transparency.—sa ulat ni Jaymark Dagala (Patrol 9)