Tatalakayin sa nakatakdang pagpupulong ng Inter-Agency Task Force for Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang posibilidad ng pagbabalik operasyon ng Lotto.
Ayon kay IATF at Presidential spokesman Secretary Harry Roque, hindi naman maikakailang malaking kabawasan din ang Lotto sa mga buwis na kinukuhanan ng gubyerno para sa iba’t ibang proyekto.
Kaya naman sinabi ng kalihim na ikinukonsidera nila ang pagbabalik operasyon ng Lotto upang magamit naman sa COVID-19 response ng pamahalaan.
Una rito, lumiham na si Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) general manager Royina Garma kay Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa pagbabalik operasyon ng Lotto.
Kasabay nito, tiniyak ni Garma ang mahigpit nilang pagsunod sa minimum health standards sakaling payagan na silang makapag-operate muli.