Tuloy na ngayong araw na ito ang pagbabalik-operasyon ng lotto games.
Ayon kay Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Chair Royina Garma, kailangan nilang muling magpalaro para mapondohan ang ilang proyekto ng gobyerno.
Binigyang diin sa DWIZ ni Garma na wala silang subsidy sa gobyerno kaya’t kailangan nilang buksan na ang lotto games para magkaroon ng pondo.
Nakakasurvive pa naman po kami, but, hindi po pwedeng hindi kami magbubukas kasi hindi kami subsidized ng national government. Kami pa nga po ang nagbibigay in form of taxes, dividends (…) so, kung wala pong operation ang PCSO, wala po kaming maibibigay,” ani Garma. —sa panayam ng Ratsada Balita