Kakaunti lamang ang mga sumakay na pasahero sa unang bumiyaheng tren ng Light Rail Transit 2 (LRT) sa kanilang pagbabalik operasyon ngayong araw.
Ayon kay Light Rail Transit Authority (LRTA) Spokesperson Atty. Hernando Cabrera, tinatayang nasa 30 lamang ang pasaherong nakaabang sa pagbubukas ng LRT-2 kaninang alas singko ng umaga.
Habang isa kada minuto lamang aniya ang average ng pagdating ng mga pasahero partikular sa LRT-2 Cubao Station.
Sinabi ni Cabrera, kawalan ng mga masasakyan o hirap sa papunta sa mga istasyon ang nakikita nilang dahilan sa matumal na pagdating mga pasahero sa LRT-2.
Gayunman, inaasahan ni Cabrera ang unti-unting pagdami ng mga sasakay sa LRT-2 sa darating na mga araw.
Supposedly, itong Cubao in a regular day talagang dagsa ito kasi ito yung umpisa pero wala, kaninang nagbukas tayo, nagpapasok tayo bandang 5:00 mga 30 lang and then after that nung nakapasok na yung 30 actually ang joke ko nga mas marami pa ang gwardya at pulis siguro hanggang bukas pati sa mga susunod na araw dadami pa kasi yung mga ibang pasahero kanina may mga nag-aalangan pa na pumasok kasi nagtatanong pa kung bukas,” ani Cabrera.