Maaaring 6 hanggang 8 buwan pa ang hihintayin bago magbalik normal ang pagbyahe ng mga eroplano ayon sa Philippine Airlines (PAL).
Ayon sa PAL, magiging mabagal anila ngunit sigurado naman ang pagbabalik operasyon ng mga ito sa harap ng nakaambang panganib bunsod ng COVID-19.
Sinabi naman ng kanilang tagapagsalita na si Cielo Villaluna, na asahan ang hindi munang full capacity operation ng airlines na mayroong daan-daang flights kada araw. Ito’y bunsod na rin ng mga alituntunin na dapat sundin ng kumpanya maging ng mga pasahero nito, kabilang na rito ang social distancing protocol.
Iginiit din ng PAL, na kailangang nang masanay sa ika nga’y “new normal” dahil sa patuloy na banta ng nakamamatay na virus di lamang sa mga paliparan sa bansa maging sa ibayong dagat.