Pinayagan na ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) ang pagbabalik-operasyon ng mga dive shops at resorts sa ilang lugar na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ) at modified GCQ.
Batay sa IATF resolution No. 78, saklaw ng mga ilalabas na guidelines ang mga turista mula sa katulad community classification o GCQ at MGCQ areas.
Samantala, inatasan naman ang Department of Tourism (DOT) na tukuyin ang mga destinasyon kung saan maaaring payagan ang mga naturang tourism activities.