Isinulong ng house committee on transportation ang muling pagbabalik-operasyon ng mga motorcycle taxis sa Metro Manila kasunod ng umiiral na general community quarantine (GCQ).
Ayon sa kay Samar Rep. Edgar Sarmiento, chair ng komite, inirekomenda nila sa Department of Transportation (DOTr) at Inter-Agency Task Force na payagan na ang motorcycle ride-hailing app tulad ng Angkas dahil malaking tulong ito para maibsan ang paghihirap ng mga commuter.
Naniniwala pa si Sarmiento na kaunti lamang ang panganib ng transmission sa motorcycle taxi dahil isang pasahero lamang ang angkas nito at mas madali rin ang tracing dahil nakarecord naman ang transaksyon sa application.
Kaugnay nito, kinakailangan na sumunod sa mga safety protocols ang mga rider at pasahero tulad ng pagsusuot ng face shield, pag-disinfect sa helmet, paggamit ng replaceable head covers at iba pa.