Isinusulong ni Senador Ralph Recto na matigil muna ang operasyon ng lahat ng Private Motor Vehicle Inspection Centers (PMVIC’s).
Sinabi ni Recto na walang ginawang kumprehensibong konsultasyon ang DOTr at LTFRB para sa pagbubukas ng PMVCI’s sa gitna ng pandemya.
Pinuna rin ni Recto ang mataas na inspection at re-inspection fees na sinisingil ng PMVIC’s at may kumukuwestyon na rin sa legalidad ng operasyon ng mga ito bukod sa pagdududa na magiging ugat naman ito ng korapsyon.
Una nang binatikos ng mga motorista ang ginawang hakbang ng DOTr at LTFRB kasabay nang pag kuwestyon sa integridad ng mga makina ng PMVCI ‘s gayundin ang 72 point series of road worthiness.