Ipinanawagan ng Liga ng Transportasyon at Operators sa Pilipinas (LTOP) sa Land Transportation, Franchising and Regulatory Board na ibalik sa 10 pesos ang minimum na pasahe sa jeep sa Metro Manila.
Ito’y matapos ilarga ng mga kumpanya ng langis ang kanilang ika-limang sunod na linggong price increase ngayong taon lamang sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Ayon kay LTOP president Rolando Marquez, “long overdue” na ang kanilang hirit at karamihan ng mga tsuper ay kakarampot na lang ang kinikita dahil sa mga ipinatupad na restrictions.
Nilinaw naman ni Ka Lando na hindi sila humihiling ng increase bagkus ay nais lamang nilang ibalik ang naunang inaprubahang 10 peso minimum fare bilang pa-consuelo dahil hindi naman napagbigyan noon ang kanilang hirit na itaas sa 12 pesos ang pasahe.