Isinusulong ng Department of Transportation (DOTR) ang pagbabalik sa 100% kapasidad sa mga Public Utility Vehicles (PUVs) sa Metro Manila.
Ayon sa DOTR, ang NCR ang maituturing na “ideal place” para masubukan ang 100 percent capacity sa mga pampublikong transportasyon.
Ipinunto ng DOTR na mahigit walumput isang porsyento naman na ng populasyon sa metro manila ang fully vaccinated na kontra covid-19.
Tiniyak din ng DOTR ang pagiging “well ventilated” ng mga jeepney at bus sa Metro Manila.